Heart Evangelista: Pinaghirapan ko kung ano ang meron ako

INIHAYAG ni fashion icon/actress Heart Evangelista na pinagtrabahuhan niya kung anuman ang mayroon siya ngayon.


“Maabilidad ako! I have dreams and I will pray hard and work hard to get it if not close to it,” chika ni Heart.


Ayon sa misis ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero, hindi siya ganoon kayaman pero lahat ng nasa kanya ay bunga ng kanyang pagsisikap.


“Not crazy, crazy (rich) that’s for sure but what’s mine is mine. I work hard–damn I do!” ani Heart.


Muling mapapanood si Heart sa upcoming Kapuso romantic-drama series na “I Left My Heart in Sorsogon” with Richard Yap and Paulo Contis. –A. Mae Rodriguez