Heart Evangelista, Hermes bags regalo sa glam team

OVERJOYED ang glam team ng aktres at style star na si Heart Evangelista sa early Christmas gift nitong Hermes bags sa kanila.

Shinare ng stylist na si Iza Sim sa Instagram ang photo ng mga Hermes bags na ibinigay ni Heart sa kanya at sa ibang members ng glam team nito.

“Best gift of the season, straight from the HEART. We’re blessed to be loved by you @iamhearte,” caption niya.

Nagpasalamat din ang iba pang miyembro ng team na sina Memay Francisco, Reszty Rose, Ghil Sayo, at Ira Lesaca sa “dream bag” na regalo.

Sagot ni Heart: “Not enough. Love you all.”