PORMAL nang sinampahan ng mga kasong rape through sexual assault at acts of lasciviouness sa Pasay City Regional Trial Court ang mga GMA-7 independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz kaugnay sa umano’y pang-aabuso sa young actor na si Sandro Muhlach.
Ngayong araw, October 30, isinampa ng Department of Justice (DOJ) ang one count ng rape at two counts ng acts of lasciviousness sa Pasay City RTC branch 115.
Sa resolusyon, sinabi ng panel of prosecutors ng DOJ na nakakita sila ng “prima facie evidence with reasonable certainty of conviction” kina Nones at Cruz para paharapin ang mga ito sa korte.
Nakita rin ang DOJ ang lahat ng elemento ng rape at acts of lasviousness at klaro rin na naipakita ang mga elemento ng force and intimidation.
“It is clear from the statement of complainant Sandro in his affidavit that he repeatedly resisted and pleaded with respondents to stop their unwanted sexual advances,” ayon sa resolusyon.
“Unfortunately, complainant Sandro was too physically too weak and dizzy to succeed due to the effects of the drugs and alcohol,” dagdag nito.
Bukod dito, sinabi ng DOJ na ang tila normal na ikinilos ni Sandro makaraan ang insidente ay hindi nagpapakitang hindi siya inabuso.
“This experience is relative and may be dealt with in any way by the victim depending on the circumstances, but his credibility should not be tainted with any modicum of doubt,” punto nito.
Sinabi pa ng DOJ na pagkaantala sa pag-uulat sa insidente ay hindi kabawasan sa kredibilidad ni Sandro.