GMA writer napamura, tinawag na useless, engot ang Eddie Garcia Law

BINAKBAKAN ni Suzette Doctolero, writer at creative consultant ng GMA Network, ang Eddie Garcia Law na inilarawan niya na walang kwenta, stupid at kontra sa maliit na manggagawa. up

Sa isang mahabang post sa X (dating Twitter), sinabi ni Doctolero na dahil sa nasabing batas ay bababa ang kalidad ng mga palabas sa TV, mababawasan ang kita ng mga crew at lolobo ang budget ng mga produksyon.

“Ramdam na naming nasa tv industry ang effect ng stupid Eddie Garcia law, na hindi naman kinunsulta talaga ang mga tunay na industry players (networks o producers, directors etc). Ilang artista at yung 2 tila hindi nag iisip na artistang proponent ng batas na ito ang nasunod,” ani Doctolero.

“With this law, kailangang hindi lumayo sa 75km ang location or else kakain na oras sa allowed na taping time na 14 hrs lang o 60 hrs per week: Kaya mapipilitan ang production na sa malapit na lang mag taping,” dagdag niya.

Ipinunto rin ng writer na bunsod nito ay liliit ang kita ng mga crew.

“In the past, ang maliit na kita na crew, earns a lot dahil after nya mag taping sa isa, kinabukasan ay raraket sya sa isa pang production, and the next. Kaya lumalaki ang kita nya,” aniya.

“Pero now, restricted na sya magtrabaho Ing 60 hrs a week…So anong pra sa welfare ng tv workers ito?? Na nawalan ng kalayaan to work sa ibang prod kasi 60 hrs lang sya dapat? 3 times lang sya dapat mag work. if he is earning 2k per, 6k lang kita nya per wk. Unlike before n kaya nya 10k sa 5 days,” hirit pa ni Doctolero.

Ayon sa TV executive, ang tanginging makikinabang sa batas ay ang mga sikat na artista na kumikita ng mula P300,000 hanggang P600,000 kada taping day.

“Kung tunay na para sa welfare ng maliliit na workers ng industry ito, sana nilaban ninyo na lang na tumaas ang [talent fee] nila, at irequired na may sss sila at health insurance. Hindi itong lintik na eddie garcia law na anti tv and movie industry at pro artistas na kumikita ng obscene!” talak niya. “Put***ina talaga yang useless na law na yan. Sorry sa mura.”