MAHIGIT apat na buwan nang kasal si Glaiza de Castro sa kanyang Irish businessman boyfriend na si David Rainey.
Ito ang isiniwalat ni Glaiza sa ekslusibong panayam sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” nitong Linggo ng gabi.
Kuwento ng aktres, una silang nagkita ni David sa Siargao noong 2018 at naramdaman niya ang Irishman ang kanyang “the one.”
Kuwento niya sa KJMS:
“Birthday ko ‘yun, nu’ng nag-Siargao ako. Sinundan ko lang ‘yung friends ko kasi may tinatapos pa akong series nu’n.
“Pagkadating namin doon, may isang common area. Doon ko nakita si David.
“Sabi ko, ‘Ay parang cute ‘to!’
“Tapos may pinatugtog siyang song, isa sa mga favorite song ko nu’ng high school.
“Sabi ko, ‘Oh my God! Para talagang boyband member!’
“Eh nu’ng bata ka kasi, may illusion ka na parang ‘Ay boyfriend ko si ganito. Akin si Nick Carter!’ ganyan. Parang ang surreal ng itsura. Ganda!
“Doon na po nag-start na nakilala namin ‘yung isa’t isa.”
Sey naman ni David sa panayam ni Jessica:
“Sobrang ganda niya! I was just blown away.
“We had a lot of similar interests in music and sports.
“We really bonded straight away.
‘We ended up spending a lot of time together.
“I pursued Glaiza because it just felt right. I could see a future with her, a life with her, which is something I’ve never really seen before with my past relationships.”