UMUUSOK ang ilong sa galit ng singer-comedienne na si Gladys Guevarra sa ginawang paninita ni Sharon Cuneta kay senatorial candidate Salvador Panelo.
Ani Gladys, nakaka-relate siya kay Panelo, na naging kontrobersyal makaraang awitin ang kanta ni Sharon para sa namayapang anak na may Down Syndrome, dahil may mga kamag-anak siyang may nasabing kondisyon at anak na autistic.
“Bilang may pinsan at pamangkin akong may Down Syndrome, may pamangkin din ako at may anak akong may autism… Sinasaluduhan at nire-respeto ko si Senator Panelo hindi sa kahit anu pa mang political reasons, Pero sa pagiging Amazing father nya.
“Dati idolo ko si Sharon Cuneta, tuwang tuwa pa ko ng magkaroon ako ng pagkakataong makilala sya ng personal noon sa Eat Bulaga.
“Nakakapanghinayang lang, at tama naman din yung isang nabasa ko. Sayang yung ilang dekadang binuo mo at pinaka ingatang magandang imahe, sinira mo lang sa iisang nakakadiring post at negative reaction mo sa ginawang pag awit ni Senator Panelo sa kanta na sinasabi mong dapat ipinaalam sayo.
“I used to have so much respect sayo Mega, bilang mang aawit din ako. Ngayon, malinaw pa sa mineral water na nakita ng lahat ang tunay mong ugali,” mahabang rant ni Gladys sa Facebook.
Matatandaang kinastigo ni Sharon si Panelo matapos kantahin ng huli kamakailan ang pinasikat niyang awit noong 1980s na “Sana’y Wala Nang Wakas.”