GF nabuntis, Andrew Schimmer na-bash

INOKRAY ng ilang netizens ang aktor na si Andrew Schimmer makaraan nitong isapubliko na nagdadalang-tao ang girlfriend niyang si Dimps Greenvilla.

Sa Facebook, ibinahagi ni Andrew ang photo ng isang pregnancy kit na positibo ang resulta.

“My God, totoo nato. Thank you lord. Gabeng blessing po nito. We’re all superrrr happy! Woohooo! Bebe boy lezzgaw!” ani Andrew sa caption.

Mangilan-ngilan namang netizens ang pumuna sa aktor dahil wala pa umanong dalawang taon mula nang sumakabilang-buhay ang dati niyang partner na si Jho Rovero.

“Parang kelan lang he’s professing his undying love and loyalty sa asawa niya. Life goes on indeed!”

“Bilis ha. Naka move on na.”

“One year lang namatay un asawa niya nag come out na sila. Kaya nga may tsismis na buhay pa un unang asawa, eh sila na. Nagintay lang ng babang luksa. Oo bilis niya maka moveon. Lalo na ang tindi ng iyak at drama niya dati.”

Mas marami naman ang masaya para kay Andrew.

“It’s okay kasi nung nabubuhay naman asawa niya matino siya at inalagaan niya nung nagkasakit.”

“Ok lang yan. Naibuhos nya naman lahat ng pagmamahal sa asawa nyang namatay.”

“Anong mabilis? Maawa naman kayo sa guy. Ang tagal nyang malungkot. Iyak ng iyak. Pasiyahin niyo naman. Iba iba ang ways of grieving ng tao.”

“Di rin biro ung pinagdaanan niya. Intindihin na lang natin.”