INANUNSYO ni Gerald Anderson na wala sa kanyang plano na pumasok sa politika kahit pa marami ang kumukumbinse sa kanya.
Sa isang panayam kamakailan, sinabi ng aktor na nagagawa naman niyang tumulong sa taumbayan kahit wala siya sa gobyerno.
“I’m just happy to be in a position where I can also help. Nagagamit ko naman ‘yung platform ko e,” sabi niya.
“May mga kaibigan ako in politics, I know it’s very hard, napakahirap nun, and I wouldn’t jump into something na hindi ako handa or hindi ko pinag-aralan because people’s lives are at stake,” dagdag ni Gerald, isang reservist ng Philippine Coast Guard na may ranggong auxiliary lieutenant commander.
Matatandaan na nag-viral ang ginawang pagsagip ni Gerald sa ilang residente ng Quezon City noong kasagsagan ng bagyong Carina nitong July.