Geneva Cruz back-to-school para sa anak

PARA maging huwaran sa anak, nagbalik sa eskwela ang singer-actress na si Geneva Cruz.

Ibinahagi ni Geneva sa Instagram ang mga larawan ng pagpasok niya sa Philippine Christian University sa Maynila.

Aniya, kumukuha siya ng kursong Business Administration. Sey ng aktres, nagdesisyon siyang bumalik ng kolehiyo para sa anak.

“Having a ten-year-old daughter was the motivation I needed to prioritize finishing a degree,” sabi ni Geneva.

“I strongly believe in setting a positive example for my children, which drives me to dedicate time to pursuing my educational goals,” dugtong niya.

“It took me a long time to finally return to school and strive to complete college,” sambit pa niya.

Matatandaan na kumuha ng kursong AB Literature si Geneva sa University of Santo Tomas pero huminto siya nang ipagbuntis ang anak niya sa drummer na si Paco Arespacochaga.