KINOREK ni TV host-comedian Vice Ganda ang grammar ng kanyang basher na sinabing hindi magandang ehemplo sa publiko silang dalawa ni Vhong Navarro.
Hirit ng basher sa Twitter: “Vice ganda and Bhong Navarro were not careful and were bad examples to this Christian nation. This is my censure for them.”
Pero imbes na ipagtanggol ang sarili at ang kanyang co-host sa “It’s Showtime,” nilait na lang ni Vice ang grammar ng netizen.
“And you were not careful with your spelling! It’s Vhong not Bhong! And people’s names are proper nouns therefore should be capitalized. It should be Vice Ganda not Vice ganda,” ani Vice.
“You’re a bad example to the Christian nation!” dagdag niya.
Marami pang mali sa sentence covstruction tenses at word choice ang basher pero dinedma na ito ni Vice.
Matatandaan na ganito ring taktika ang ginamit ni Kris Aquino nang minsang may mam-bash sa kanya.
Sabi ng basher sa comment section ng pinost ni Kris Instagram: “U ARE USING YOU EVIL MECHANISM TO BONG GO TO SILENT MOCHA RIGHT? ALAM NA NG MGA TAO ANG UGALI MO….STOP PLAYING INNOCENT AS IF YOU DON’T KNOW WHAT YOUR PARENTS DID KAYA NAG HIRAP ANG PILIPINAS!!! #stupidbrat
Lecture ukol sa English grammar ang tanging sagot ni Kris.
“Sweetheart, may I correct your first sentence – it really bothers me to be attacked with wrong grammar: You are using your evil machinations (not mechanism) with (not to) Bong Go to silence (not silent) Mocha, right? There you go. Now be proper, and thank me for correcting your deficiencies,” sey ng Queen of All Media. –A Mae Rodriguez