Gardo ibebenta nude portrait kay Boss Toyo

BALAK ng aktor na si Gardo Versoza na ibenta ang kanyang nude painting sa social media personality at Pinoy pop art collector na si Boss Toyo.

Gayunman, napigilan ng publiko si Gardo sa kanyang balak dahil anila mas mabuti kung ipasubasta niya ito sa mga international auction houses.

Ibinahagi ni Gardo sa social media ang nasabing painting kung saan iginuhit siya bilang isang Greek god na nakalutang sa hangin.

“[P]wede po ba ito maibenta @_bosstoyo? Magkano kaya? Di ko na kase makita rebulto ni MACHETE,” ani Gardo.

Pinigilan naman siya ng mga netizens.

“Cupcake ganda ng pagkaka paint. Collectors item wag mo ibenta yan tataas ang value cupcake,” sey ng isang fan.

“Ok cupcake,” sagot ni Gardo.