INAMIN ni “Pinoy Big Brother Gen 11” Big Winner Fyang Smith na dumanas din siya ng hirap noong kabataan niya sa Laguna.
Sa isang panayam ay ikinuwento ni Fyang ang kanyang mga karanasan, kabilang ang mga pagsubok na dinaanan ng kanyang pamilya.
Ayon kay Fyang, bagaman nagpapadala ng pera ang kanyang ama ay wala rin halos natitira sa kanila dahil ipinangtutubos lang ito sa mga naisasanla ng kanyang mommy.
“Yung ginagawa po ng Mommy ko, basically sinansangla and then tutubusin,” aniya.
“Kapag wala po talaga, since probinsya nga po, marami namang tanim-tanim sa paligid na gulay. Ayun po na-survive po namin ‘yung time na iyon,” pagsasapubliko niya.
Pag-amin pa ni Fyang: “Asin, toyo and everything po, naranasan po talaga.”
Sa kabila nito, sinabi ni Fyang na nag-enjoy siya sa kanyang kabataan.
“Childhood ko po is very simple lang talaga as in kung paano maglaro ‘yung mga bata sa kalsada,” chika niya.“Kung ano yung mga uso before like jolens, pogs, and everything ganoon lang po yung childhood ko. Sometimes kapag hapon na, automatic, aakyat po ako ng puno.”
“Actually po, mother po ako sa Chinese garter. Sobrang probinsyana ko po talaga,” lahad pa ng dalaga.