Francine nagtapos ng senior high school

KUKUHA ng business course sa college ang Kapamilya actress na si Francine Diaz, na nagtapos ng senior high school kamakailan.

Ani Francine, priority niya ang makatapos ng kolehiyo para may fallback siya sakaling kumonti na ang kanyang mga projects.

“Ang gusto ko po mag-Business Management. ‘Yun po talaga isa sa mga priority ko. I believe dapat meron akong fallback kasi, hindi ko alam, ‘wag naman sana, pag dumating ‘yung panahon na hindi na ako ‘yung tinitingala or maingay meron akong buhay outside showbiz,” sey niya.

Nitong Linggo ay ibinahagi ni Francine sa social media ang ilang photos ng graduation niya sa Southville International School Affiliated with Foreign Universities.

Isa sa mga natuwa sa achievement niya ang ka-love team niyang si Seth Fedelin. Nag-share si Seth sa IG story ng photo ni Francine na nilagyan niya ng caption na, “Proud ako sayo. Congrats!!!” “I would never want to miss this,” dugtong ni Seth.