First Pinay ‘Top Model’ hindi pa ready sa beauty pageants

ITINANGGI ni 2017 Asia’s Next Top Model Maureen Wroblewitz na lalahok siya sa Miss Universe Philipines ngayong taon.


Sa isang panayam, sinabi ni Maureen na bukas siya sa pagsali sa mga beauty pageants pero hindi siya sigurado kung handa na siya.


“I’ve always considered joining pageants, I’ve always said that I’ve considered it, that I am not closing any doors,”‘ aniya.


“(But) I am not so sure yet because this is the year, I’ve heard, that you have the least preparation time. I really want to be ready if I do join,” dagdag niya.


Sinabi pa ni Maureen na sa tamang panahon ay maipahahatid din niya sa publiko ang kanyang mga plataporma para sa napiling advocacy.


Matatandaang malakas ang bulung-bulungan na isa si Maureen sa mga planong lumahok sa Miss Universe Philippines kasama ng iba pang beterena sa mga pageants gaya nina Bb. Pilipinas Globe 2019 Leren Mae Bautista, Bb. Pilipinas Intercontinental 2019 Emma Tiglao, Bb. Pilipinas International 2018; at Miss International 2018 runner-up Ma. Ahtisa Manalo.


Si Maureen ang girlfriend ng singer na si Juan Karlos. –A. Mae Rodriguez