Fans ni Stell naimbyerna sa nanay ni Jake Zyrus

INATAKE ng puna ang ina ng singer na si Jake Zyrus makaraan nitong sabihin na mas magaling ang anak kumpara sa member ng SB19 na si Stell Ajero.

Maging ang nananahimik na si Jake, dating Charice Pempengco, ay na-bash dahil sa pagboses ng inang si Raquel kay Stell.

Nitong Biyernes ay nag-post ng kanyang opinyon sa social si Raquel kaugnay ng impromptu performance ni Stell sa concert ng American producer-songwriter na si David Foster.

“In fairness, magaling si Stell… Mala-Jed Madela din. But still don’t compare with Charice. Oops! Just saying lang, ha?” ani Raquel.

Hindi naman pinalagpas ng mga fans ni Stell ang hanash ng mommy ni Jake.

“Noon, walang duda si charice talaga.. pero ngaun? Tpos na ang panahon ng anak mo. Sa lahat ng pinakitang talent ni stell.. kahit sino aagree na mas magaling na si stell ngaun.”

“Sorry to say pero wala na po si charice mommy.kaya lubayan mu kayabangan.”

“Just accept the fact n laos n ang anak mo. Wag kna mag comment pa if may tatalo n sa anak mo. Di n sya gaya ng dati. Oo iba si charice kasi tlga magaling sya noon pero ngaun wla na.”

“Nananahimik na anak mo eh kinakaladkad mo pa buti sana kung ikaw lang yung i babash ng mga tao eh damay pati anak mo na wla namang sinasabi kay SB19 Stell daldal mo talagang Babae ka. Bida-bida!”

Matatandaan na ilang beses nag-guest si Jake sa concert ni David na ang una ay noong 2015 sa Las Vegas kung saan binigyan ng standing ovation ang Pinoy singer.  Kabilang sa iba pang mga guest sina Josh Groban, Andrea Bocelli, Michael Buble, at Brian McKnight, pero tanging kay Jake lang nagtayuan ang audience.