Fan nag-Magna Cum Laude dahil kay Vice Ganda

PROUD na ibinahagi ng TV host-comedian na si Vice Ganda ang isang fan niya nagtapos bilang  Magna Cum Laude sa kursong Political Science.

Ayon sa fan na si Carlos Inigo Torcelino, si Vice ang naging inspirasyon niya sa pag-aaral at nagsilbing motivation para mangarap nang mataas.

“Meme Vice Ganda, ‘di mo man makita itong tweet ko pero tinuruan mo ang beki na ito na pwedeng mangarap nang matayog at abutin ito sa kabila nang kalupitan ng lipunan. Mahal na mahal kita,” sambit ng fan sa X/Twitter post.

Nagtapos si Torcelino sa University of the Philippines.

Puring-puri naman ni Vice ang fan.

“Congratulations! Ipinagbubunyi kita! Ang buti ng iyong puso, husay ng kaisipan at tapang ng ung katauhan ang baunin mo sa napakagandang bukas na nag-aantay sayo!!! Naniniwala ako sa’yo Anak kong Baklang Magna Cum Laude!” ani Vice.

Reply ng fan: “Meme, pinalaki mo ako with ur sharp wits and lines. You broke so much fortified boundaries for our community. I cannot wait to watch your movie soon and meet you again sooonesttt. this means the world to me. I love you.”