Eyebags ni Baby Peanut pinuna; Jessy rumesbak

NANGGIGIL ang aktres na si Jessy Mendiola sa netizen na nagkomento sa anak niya na si Peanut.

Nag-post sa Instagram si Jessy ng photo kasama si Peanut habang pine-flex ang bulaklak ng kanilang padre de pamilya na si Luis Manzano.

Ilang netizens naman ang hindi natuwa sa picture at pinuna ang itsura ni Peanut.

Sey ng isa: “Parang ang payat ng baby nila” habang hanash ng isa pa: Grabe bakit ganyan ang bata, wala pang 2 years old pero ang eyebags pang 80 years old na.”

Hindi naman ito pinalamampas ni Jessy “2024 na but here you are still commenting on other people’s bodies,” pagtataray ng aktres.

“Kalmahan lang ang panlalait sa bata. Iayon natin ang ating hitsura sa panlalait. Tingnan n’yo muna ang sarili sa salamin!” dagdag niya.

Hindi ito ang unang beses na na-bash si Peanut, na tinawag na “pisot” ng isang basher kaya pinatulan ito ni Luis.