IGINIIT ni Trina Candaza na lahat ng tinatamasa niyang ginhawa sa buhay ngayon ay katas ng kanyang pagsisikap.
Ginawa ni Trina, isang celebrity online seller, ang pahayag makaraang kumalat na mayroon siyang mayamang boyfriend na nagsusustento sa kanyang mga luho.
“I’ve heard the rumors about me nga. Pero no, I’m not dating anyone right now. And I work very hard to provide a good life for me and my daughter,” ani Trina sa Instagram.
“I fully understand that there will always be assumptions from other people- and that’s okay. But I am the best person to tell my story because I live it,” dagdag niya.
Mayroong anak si Trina sa aktor na si Carlo Aquino, ang apat na taong gulang na si Mithi.
Komento naman ng fans ay walang masama sakaling may mayamang boyfriend si Trina.
“Kung meron man talaga then it’s ok! Inggitera lang mga taong nangiintriga.”
“Deserve naman nya ang lovelife. nag asawa na si ex. she’s young & pretty.”
“Granting kung meron eh anu naman ngayon! Tong mga NEGAtizens bakit kung waa ba syang bigas may maibibigay kayo sa kanya?”
“Inggit lang ung mga walang mahanap na rich guy kaya dameng kuda. Sorry na lang kayo hindi kayo kasing ganda ni Trina.”