Ex-BF ni Karla Estrada ibinandera bagong GF

TODO-flex si Jam Ignacio, dating boyfriend ng TV host- actress na si Karla Estrada, sa kanyang bagong karelasyon na isa umanong DJ.

Hindi pinangalan ni Ignacio ang bagong girlfriend na ibinandera niya ang mga larawan sa kanyang Instagram page.

Noong isang buwan lang naiulat na hiwalay sina Jam at Karla bagaman Marso pa huling nag-post ang TV host ukol sa boyfriend.

Tumagal ng halos limang taon ang relasyon ng dalawa.