KLINARO ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 na hindi “In Memoriam” ang segment kung saan ipinakita ang larawan nina Eugene Domingo at Christopher de Leon kundi sa tribute ng MMFF sa mga “Iconic Names in the Film Industry in the Last 50 Years.”
Ngayong araw ay nag-viral ang larawan ni Eugene na kuha sa Gabi ng Parangal na ayon sa post ay kabilang sa mga manggagawa sa Philippine movie industry, kabilang mga artista, direktor at manunulat, na sumakabilang-buhay ngayong taon.
“[J]ust to clarify – the number of @armanfferrer @iammarkbautista Robert Sena & @johnarcilla was a tribute number to MMFF Icons through the 50 years… hindi po in memoriam,” ayon sa MMFF Executive Committee spokesperson na si Noel Ferrer.
Matatandaan na nag-react ang mga fans ni Eugene makaraang ibalita na hindi na nga ito na-nominate para sa pelikulang “And The Breadwinner Is…” ay isinama pa ito sa mga listahan ng mga namatay na artista.