Erik nagluluksa pa rin sa pagyao ng mga magulang, hindi pa handang mag-asawa

INAMIN ng singer na si Erik Santos na wala pa siyang balak mag-asawa dahil hindi pa siya handang magmahal.

Sa isang panayam, sinabi ni Erik na  pumapasok sa isip niya na lumagay sa tahimik tuwing naiimbitahan siya na kumanta sa mga kasal.

“Pero honestly dahil po sa nangyari sa pamilya namin na hindi naman po lingid sa kaalaman ng iba, medyo nawalan po ako ng motivation,” paliwanag niya.

“Dumaan din po ako sa matinding pagsubok. So, hindi po ako masyadong naging vocal. Syempre, ‘yung mga panahon na ‘yon, and up until now, may mga episodes pa rin. It comes in waves,” dagdag ng singer.

Matatandaan na sumakabilang-buhay ang ina ni Erik na si Angelita dahil sa cancer noong 2022 at makalipas ang pitong buwan ay namayapa naman ang ama na si Renato.

“Siguro mas maganda na i-heal ko muna ‘yung sarili ko bago ako siguro makapagmahal ult nang buo,” ani Erik.