Enzo binawalang magpa-sexy ng GF

INAMIN ni Michelle Vito na pinagbawalan niyang magpa-sexy ang kanyang boyfriend na si Enzo Pineda.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda,” sinabi ni Michelle na nangangamba siya na baka puro sexy roles na lang ang ialok kay Enzo.

“Nakita ko naman na nagawa na niya ‘yun ng lahat-lahat ng mga gusto niyang gawin. Ang natatakot lang kasi ako na ma-typecast siya, na doon lagi ma-offer. Kasi naririnig ko, nagawa niya na ‘to, ta’pos biglang may offer ulit sa kanya, tapks may offer ulit sa kaniya. Sabi ko, ‘Baka na-ta-typecast ka na.’ So, no more na,* chika ng dalaga.

Sangga ni Enzo, choice na rin daw niya na maglie-low sa pagpapa-sexy.

Sinabi niya na tinanggap niya ang role bilang challenge.

“As an actor you won’t consider yourself as an actor if hindi ka open sa mga ganug klaseng mga roles or projects. At least you need to experience, for me, at least once because that’s what acting is all about, it’s all about exploring life,” paliwanag ni Enzo.

Wala raw naman siyang regrets dahil nanalo siya ng acting award para sa nasabing role.