SINALUDUHAN ng publiko ang dating aktres na si Ellen Adarna sa pagiging pratikal nito sa buhay.
Ayon kay Ellen, walang naganap na baby shower at gender reveal party para sa panganay nila ni Derek Ramsay dahil ayaw niya sa walang kapararakang paggastos.
Ipinunto naman niya na nirerespeto niya ang ibang mga magulang na nagpapabongga sa kanilang mga babies.
“Hayaan mo lang sila kung ano trip nila sa buhay. Kanya kanyang trip lng yan,” sey ni Ellen.
“Basta ako wala kong gender reveal walang baby showrer and wala akong utang – diko trip mga ganyan hehehe,” dugtong niya.
Kinabiliban naman si Ellen ng kanyang mga tagahanga sa desisyon niya.
“Mabuti pa ‘to kahit may kakayahang mag gender reveal and lahat lahat, still remained quiet lang. Yung kakilala ko, di baleng lomobo ang kautangan, maitawid lang ang mga kapritso na di naman afford.”
“Low profile is the key.. at peace of mind.”
“Tinamaan ako sa walang utang, pra lng makapag bongga miss Ellen idol talaga kita.”