UMINIT ang ulo ng aktres na si Ellen Adarna sa netizen na hinanap si John Lloyd Cruz sa moving-up ceremony ng anak nilang si Elias.
Ibinahagi ni Ellen sa Instagram ang larawan nila ni Elias sa nasabing event kasama ang asawa niyang si Derek Ramsay.
“The only decent moving up photo,” caption niya.
Umani ng positive reactions ang post ni Ellen mula sa netizens na sinabing happy sila sa achievement ni Elias sa school.
Naligaw naman ang isang komento mula sa netizen na sinabi na, “JL should be present,” na ang tinutukoy ay si John Lloyd. Hindi ito pinalagpas ni Ellen at tinalakan ang commenter.
“AND YOU SHOULD MIND YOUR OWN BUSINESS. Just because he’s not in the photo dsnt mean he was not there,” hirit ng aktres.
“Wag masyadong close minded manang. Present father naman cya meaning present din cya sa lahat ng milestones ng anak nya,” dagdag niya.