Ellen Adarna hindi na magpapabuntis?

INIHAYAG pero agad ding binawi ng dating aktres na si Ellen Adarna na payag siyang magpabuntis pa nang tatlong beses sa mister na si Derek Ramsay.

Sa Instagram, ibinahagi ni Ellen ang isang appreciation post ukol sa kanyang pregnancy journey.

Matatandaan na kailan lang ay ipinanganak ng aktres ang panganay nila ni Derek.

Kalakip ng mga larawan ng kanyang pagbubuntis ang paliwanag kung bakit hindi niya ito isinapubliko.

“I prayed for a streefree, quiet and peaceful pregnancy and God gave it. The only Bump photos/videos I have during pregnancy,” dagdag niya.

Mensahe naman niya kay Derek: “Dear husband @ramsayderek07 thank you for just letting me be, letting my pregnant hormones be-psycho (not the other way around) and for always reassuring me that I’m still loved even when I’m not so lovable (yes he wrote that love note).”

Idinagdag ni Ellen na pwede pa siyang magpabuntis kay Derek pero agad niya itong binawi.

“Pwede pa 3 more, joke! I don’t miss being pregnant but I miss sleeping all day and eating everything,” chika niya.