Elise Joson aprub sa mudra ni McCoy

APRUB ang ina ni McCoy De Leon sa partner nitong si Elise Joson.

“Approved na,” maikling sagot ng aktres nang tanungin kung aprubado ba ang ina sa kanilang pagsasama.

Kamakailan ay ibinunyag ng dalawa sa Pinoy Big Brother na may baby girl na silang dalawa. Dito rin unang nagkakilala ang dalawa.

“To the De Leon family, Mommy She, Daddy Lo, thank you for Mccoy. Thank you po for welcoming me and Felize into your family,” ani Joson isang Instagram post.