NAPABUNTONG-hininga ang mga fans sa pagiging sweet ng magkasintahang Miles Ocampo at Elijah Canlas.
Kahapon, December 21, ay kumalat sa social media ang isang video clip ng dalawa na nahuling nagki-kiss sa kasal nina Jose Manalo at Mergene Maranan sa Boracay.
Isinabay nina Miles at Elijah ang kanilang halikan habang naglalakad sa aisle ang mga abay.
Ilang buwan na ang nakararaan ng magkabalikan ang dalawa makaraan ang kanilang breakup noong November 2023.
Sa isang panayam noong nakaraang May ay isinaliwalat nina Elijah at Miles na masaya siya sa takbo ng relasyon nila.
“We’re doing good. We’re very happy. Of course, of course. We’re taking it easy,” wika ng aktor.
Sambit naman ni Miles: “We’re happy, we’re happy. Yun na lang po ang gusto kong i-share talaga kasi kaming dalawa, masaya naman po kami talaga.”
“I feel like sa lahat ng nangyari, mas gusto na lang namin na tahimik na lang. Basta, ‘yun po ang maise-share ko, masaya kami,” dagdag niya.