EA, Shaira okay na sa 2 anak

PINAPLANTSA na ng magkasintahang EA Guzman at Shaira Diaz ang kanilang church wedding na nakatakda sa 2026.

Sa isang panayam, isinapubliko ni EA na tatapusin nila hanggang December ang mga importanteng detalye ng kasal. 

“Nasa stage na kami… sa mga ninong, pinupuntahan na namin personally. Siyempre, we wanna show our sincerity and faithful kami sa kanila,” chika ni EA.

“Gusto namin tapusin siya by December, okay na kami. Para by January, yung mga maliliit na lang ang aayusin,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan ay wala pang eksaktong araw ang kasal.

“Sasabihin naman namin sa inyo kung malapit na siya. Important ‘yung date talaga, lalo na sa church. Medyo mahirap kasi yung reservation sa church. Yun na lang ang inuuna namin,” punto niya.

“Wino-workout namin next year, kasi gusto na rin namin, e. Especially ako, gusto ko na talaga magpakasal kami,” wika pa ng aktor.

Isiniwalat din ni EA na mayroon na silang titirahan ni Shaira bilang mag-asawa, pero pinagpaplanuhan na nilang magpatayo ng mas malaki para sa kanilang magiging mga anak.

“Kahit dalawa, okay na kami. Boy and girl sana. [Pero] kung ano man ‘yung ibigay ni Lord, kasi blessing ‘yun,” sabi ng aktor.