Donny lumafang ng palaka

TODO-flex ang aktor na si Donny Pangilinan sa pagkain niya ng palaka.

Sa Instagram, shinare ni Donny ang photo niya na nakanganga at akmang isusubo ang palaka na nasa tinidor.

“DINNER 🐸🐸🐸,” sey ni Donny sa caption.

Bunsod ng paandar ng Kapamilya actor, ilang fans ang nagsabing kakain na sila ng palaka.

“Exotic food is reallllll.”

“Hatag bi.” Dati pangarap ko maging nurse ngayon palaka na lang.”

“Simula ngayon kakain na ng palaka.”

“Yan ang gusto ko sa yo walang kaarte-arte.”