Donny, Belle kumakain sa isang plato

KAHIT mga non-fans ay naniniwala na may something na between Donny Pangilinan at Belle Mariano makaraang mag-viral ang photo nila na kumakain sa iisang plato.

Sa litratong shinare sa Instagram ng fan page na bellemariano.updates, makikita sina Donny at Belle na katatapos lang kumain.

Kapansin-pansin na isang plato lamang ang nasa mesa at nasa kanilang harapan.

Chika ng mga fans, sa isang plato kumain ang dalawa.

“Isa lang talaga palagi ang plate nila sa pagkain. I love it.”

“Sharing in one plate.”

“Love you both my donbelle.”