MAKARAANG ianunsyo na si Kathryn Bernardo lang at hindi si Daniel Padilla sa kasal nila ni Bea Alonzo, inihayag ni Dominic Roque na nasaktan siya sa paghihiwalay ng KathNiel.
Sa panayam, sinabi ni Dominic na nanghihinayang siya sa kinauwian ng mahigit isang dekadang relasyon nina Kath at DJ.
“Nakakalungkot kasi, you know, I’ve been part of their journey din as a love team,” aniya.
“Nakita ko rin sila kung paano sila lumaki, paano nila ginawa yun mga bagay together. Nakakalungkot, talagang nasaktan din ako,” dagdag ni Dominic.
Kahit hindi na sila nag-uusap ni Daniel, pinunto ng fiance ni Bea na nakikisimpatiya siya rito.
“I’ve been friends with them for a long, long time. Nagkaroon man kami ng falling out ni Deej in the past years, but I’ve been in touch with Kath since. Hindi naman kami nawalan ng communication,” sabi pa niya.