Dominic hindi pinopormahan si Kathryn

NAKABABATANG kapatid ang turing ni Dominic Roque sa aktres na si Kathryn Bernardo kaya malabong ligawan niya ito.

Sa Facebook post na may title na “Dominic Roque nanliligaw nga ba kay Kathryn Bernardo?” ay hindi napigilang magkomento ni Dom.

“Kapatid ko po yan. Bros,” aniya.

Sa isang episode ng “Showbiz Update” vlog, napag-usapan ni Ogie Diaz at mga co-host ang chika na nililigawan ng ex-boyfriend ni Bea Alonzo ang ex-girlfriend ni Daniel Padilla dahil madalas makitang magkasama ang dalawa.

“May nagtanong sa akin dahil madalas daw ang sightings kina Dominic Roque at Kathryn Bernardo,” sey ni Ogie.

“May nagtanong lang naman sa akin ha… ‘Mama Ogs, nanliligaw ba si Dominic Roque kay Kathryn Bernardo?’” niya.

“Siyempre hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko. Ang alam ko, si Dominic at si Kathryn ay best of friends,” dugtong niya.