SINUSPINDE umano ng GMA ang mga independent contractors na sina Richard Dode Cruz at Jojo Nones sa kanilang mga proyekto sa network makaraan silang ireklamo ng pang-aabuso ng young actor na si Sandro Muhlach.
Base sa ulat, inalis si Nones bilang second unit director ng seryeng “Prinsesa ng City Jail” at bilang director ng ilang episodes ng “Magpakailanman.”
Kaugnay nito, nilinis naman ng veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis ang Kapuso network sa isyu na kinasasangkutan ng dalawa nitong consultants.
“Malaking balita sa showbiz iyon nangyayari kay Sandro Muhlach. Ang hindi lang maganda nasali ang GMA sa balita. Wala naman siguro kinalaman ang station kung anuman ang nagaganap outside of their jurisdiction. Puwede may mga trabaho sa maraming shows ng GMA iyon 2 binabanggit na taga production. Puwede na taga Sparkle din si Sandro Muhlach. Pero iyon mga ganitong pangyayari, wala na siguro sa radar ng GMA,” paliwanag ni Lolit.
“Puwede parusahan sila pag nagkaruon ng formal complaint, pero iyon nangyari insidente, personal nilang pagkakamali iyon at maliban kung magsasampa ng legal na action saka pa lang pwedeng gumawa ng nararapat na hakbang ang station,” dagdag nito.
“Very sad na sa ganitong mga insidente, nasasali ang GMA dahil lang sa nagkataon nagtatrabaho sa kanila ang mga nadawit, pero hindi naman siguro kasalanan ito ng GMA,” sabi pa ng showbiz insider.