Diwata walang BF: ‘Mag-iipon muna ako’

UMAMIN ang viral pares vendor na si Diwata na wala siyang boyfriend ngayon dahil busy pa siya sa pagpapayaman.

Sa isang panayam, sinabi ni Diwata na ayaw muna niya ng seryosong relasyon at “patikim-tikim” lang muna ang eksena niya.

“Actually, ang love life ko ngayon, ang lalaki ko ngayon, parang ano lang, tikim-tikim lang muna,” aniya.

“Ayoko munang seryosohin ang relationship. Alam n’yo kung bakit? Kasi iniisip ko, baka mamaya, kapag nagdyowa ako ng 2 or 3, bukas, wala akong puhunan, maubos!” dagdag niya.

“So, feeling ko, habang nagtitinda ako, nagbi-business ako muna, mag-iipon muna ako. Kasi feeling ko, kapag marami ka nang pera, mas marami ka pang lalaki, ‘di ba?” sambit pa ni Diwata.

Inihayag din niya na ilang mga ex-boyfriend niya ang nakikipagbalikan sa kanya mula nang sumikat ang kanyang negosyo.