Diego nag-‘all the way’ sa bagong movie

WALANG naging restriksyon si Diego Loyzaga nang gawin ang pelikulang “Pabuya” na tinawag niyang pinaka-wild sa lahat ng mga movies niya.

Sa isang panayam, sinabi ni Diego na hindi niya makakalimutan ang nasabing pelikula.

“I have to say, even for me, ito na siguro ang pinaka-wild na nagawa ko na movie,” pahayag niya.

“I was like, you know what, if we’re gonna do this, might as well go all the way,” dagdag niya.

Inilarawan naman niya na “great” and “fun” ang experience niya sa pelikula dahil sa kapareha niyang si Franki Russell na napabalita na naging girlfriend niya.

“It was fun and it’s cute working with her because there’s so many things that she doesn’t know yet,” sabi ng anak ni Cesar Montano.

“Kinakapa-kapa pa niya ‘yung mga ibang bagay, lalo na yung love scenes, they’re difficult to shoot. She was like, ‘Is this normal? Is this okay?’” dagdag ni Diego.