KINONDENA ni Andrea Brillantes ang mga netizens na ginagamit ang mga ina para i-body shame siya.
Sa isang interview, sinabi ni Andrea na hindi tama na gamiting pamamahiya ang katawan ng mga nanay.
“Ang weird lang na ginagamit nila pang-body shame ang katawan ng ‘nanay’, na parang, ‘Grabe parang nanay na si Andrea, ‘yung katawan niya.’ That’s so embarrassing for you to say,” paliwanag ng “High Street” actress.
“You’re body shaming your mom? So ‘yun gusto ko sabihin, maganda katawan lahat ng kababaihan. Hindi dapat ginagawang pang-body shame ang katawan ng nanay,” dagdag niya.
Ayon pa sa aktres, wala siyang magagawa kung hindi bagay ang mapayat niyang braso sa iba pang bahagi ng kanyang katawan.
“Sa mga nagko-comment about my arms? I really don’t care. It’s crazy to think that other people think they have the authority or the right or their opinion matters to me. Everything that I do for my body is for me,” punto ni Andrea.
“Aware ako sa sinasabi nila pero hindi ko siya pinapapasok sa akin kasi ginagawa ko kung ano magpapasaya sa akin and I am really happy with my body right now. Gets ko sinasabi nila na hindi proportionate. Well, I can’t control if God blessed me with ‘blessings’,” dugtong niya.