‘Deserved mo ang yes!’

ITO ang sinabi ng aktres at social media personality na si Zeinab Harake nang mag-proppse ng kasal ang basketbolistang Ray Parks Jr.

Mahigit isang taon nang magkarelasyon sina Zeinab at Ray.

Sa vlog ni Zeinab, mapapanood na hiningi muna ni Ray ang blessings ng mga mahal sa buhay ng aktres bago siya nag-propose.

Ibinida rin nito ang bonggang singsing para sa girlfriend.

Nangako rin si Ray kay Rana, kapatid ni Zeinab, na mamahalin pati na ang dalawang anak ng vlogger.

Nasorpresa at naging emosyonal si Zeinab sa inihandang bonggang party ni Ray Parks upang itanong sa kanya ang “Will you marry me?”

“I believe God brought us together as a token of his love for us,” ani Ray kay Zeinab.

“I’m truly blessed to call you my best friend, my lover and my biggest supporter… Zeinab Harake, would you make me the happiest man in the world?” dagdag niya.

Sagot ni Zeinab: “Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa kasal dahil na rin sa pinagdaanan ko sa buhay pero noong dumating si Ray sa buhay ko, doon ko naano ‘yung sarili ko na magse-settle ako sa taong ‘to. Kasi nakikita ko sa kanya ‘yung future na alam kong maiintindihan niya ako kahit sa pinakamahirap na sitwasyon pa ng buhay natin.”

“So, sumugal ako. Sumugal ako ngayon with our lives… buhay naming tatlo ng mga bata binibigay ko sa’yo kasi naniniwala ako sa Diyos, sa ’yo and you deserved it daddy. Deserved mo ang ‘yes’,” sabi pa niya.