Dennis Trillo namakyaw ng crop top S

SANDAMAKMAK na crop top ang binili ng aktor na si Dennis Trillo, ang tinaguriang King of the Crop.

Sa Instagram, sinagot ni Dennis ang ilang netizen na nawindang nang rumampa siya na litaw ang pusod sa Tokyo Disneyland kasama ang misis na si Jennylyn Mercado.

“Pasensya na po kayo, pero marami na akong biniling crop top!” aniya.

Matatandaan na marami ang naaliw sa video ng paggala ni Dennis na suot ang striped crop top sa Disneyland sa Japan na kasama rin ang mga anak nila ni Jen na sina Calix, Jazz at Dylan.