IBINIGAY ni Dennis Trillo sa charity ang P100,000 cash prize na napanalunan niya nang magwagi bilang Best Actor sa 2024 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.
Idinetalye sa Facebook ng road manager ni Dennis na si Jan Enriquez na dinonate ng aktor at asawang si Jennylyn Mercado ang premyo sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Ani Jan, siya ang naatasan na tumanggap ng cash prize sa pangalan ni Dennis, pero sinabi ni Jennylyn na ibigay na lang ito sa charity.
“Agad-agad ko itong inabot kay JC Rubio na siyang may konek sa grupo ng mga PDL kung saan hango o inspired ang Tree of Hope,” sey ni Jan sa Facebook.
Si JC Rubio, ang award-winning senior program manager ng I-Witness at Kara Docs at ang creative producer ng GMA Pictures, ang concept creator ng “Green Bones.”
Dagdag ni Jan, mayroong totoong Tree of Hope sa isang kulungan.
“Doon po gagamitin ang 100K para matupad ang mga munti nilang hiling,” sabi niya.
Napag-alaman na ang premyo na napanalunan ng Team Green Bones nang mag-guest sa “Family Feud” ay idinonate din sa mga inmates.
“Thank you for your kindness, Dennis! You truly embody our movie’s message!” sambit ni Jan.
Bukod aa Best Actor trophy, napanalunan din ng “Green Bones” ang Best Picture, Best Supporting Actor (Ruru Madrid), Best Child Performer (Sienna Stevens), Best Screenplay, at Best Cinematography awards.