Dennis Padilla nakiusap sa mga bangko: Huwag muna maningil ng utang!

UMAPELA ang komedyanteng si Dennis Padilla sa mga bangko na itigil muna pansamantala ang paniningil sa mga credit card holders sa kasagsagan ng bagyong Carina at ng habagat.

Sa Instagram, sinabi ni Dennis na imbes mangulit sa mga may utang ay bakit hindi muna tumulong ang mga bangko sa mga biktima ng baha.

“Sa mga boss ng Security Bank kindly tell your agents to stop texting and calling sa clients para maningil sa credit cards…palipasin natin ang bagyo!! Help the victims pls.!!” wika ni Dennis.

Sinang-ayunan naman ng netizens ang pakiusap ni Dennis. “Pera pera ang labanan walang malasakit sa kapaligiran.” “Wala ba ulan sa inyo…kakapikon.”