INALOK ng posiyon sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang direktor na si Daryl Yap, ngunit tumanggi ito, ayon sa screenwriter ng GMA na si Suzette Doctolero.
Ang FDCP ay national film agency na nasa ilalim ng Office of the President.
Isa umano si Yap, direktor ng ‘Lenlen series’ na pinagbibidahan ni Senador Imee Marcos, kapatid ni presumptive President Bongbong Marcos.
“Bakit trending si Darryl Yap? E ano kung maging FDCP head siya? Ayaw niyo rin naman kay Liza nung simula kasi the who, pero later on ang dami nang chumika doon sa babae,” pahayag ni Doctolero sa kanyang Facebook page.
“Chaka mang sabihin pero kung sinong nanalo, sila ang makakakuha ng posisyon. Pero ang alam ko ay tinanggihan ni Darryl ang alok,” dagdag pa ni Doctolero.
“To be fair, alam naman nung bata na maraming aatakehin sa puso kaya umayaw na siya [because] he cares, you know.”
“Pero huwag niyo nang [i-bash] at baka magbago pa ang isip. Di ko mabe-blame yan ha,” dagdag pa nito.