GUSTONG makisali ng direktor na si Darryl Yap sa girian ng kaibigang si AiAi delas Alas at dyowa ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose na tinawag niyang “Goldie.”
Sa Facebook, sunod-sunod ang patutsada ni Yap, direktor ng box office hit na “Maid in Malacañang,” kay Chloe.
Hirit niya: “Sali nyo naman ako sa away nyo. Matapang din naman ako eh.”
“Ano kayang kinaoffend ni Goldie sa sinabi ni Mama Ai na ‘Girlfriend ka pa lang’ Ano ba gusto niya? TREASURER?” pang-iinis pa ni Yap.
Hindi pa nakutento ang direktor at hinamon na dumaan si Chloe sa kanyang lugar sa Mandaluyong.
“Tanging Anak vs Goldie…Ito naman kasing si Goldie, akala mo brave…daan ka rito sa Mandaluyong tiktok tayo, dadaigin mo yung tumbling ni Chucky,” sambit ni Yap.
Pati ang pagkawala ng wi-fi niya ay naikonek pa niya sa dalaga.
“RED Fiber dalawang araw na kong walang Internet Connection mula sa inyo, baka sabihin ni Goldie Karma to. Ayusin nyo na! di ako makapanira ng araw ng iba eh!” aniya.
Wala pang reaksyon si Chloe sa mga pasaring ni Yap.