GINULAT ng direktor na si Darryl Yap ang publiko sa first look pic ni Cristine Reyes na gumaganap na Sen. Imee Marcos sa obra niyang “Maid in Malacanang.”
May hirit naman si Yap sa mga pumupuna sa casting ng nasabing pelikula na base sa huling 72 oras ng pamilya Marcos sa Malacanang noong February 1986.
“[K]ung nanalo sana kayo, gawa kayo ng pelikula tungkol sa kandidato nyo, dun kayo magdesisyon ng casting,” aniya.
“[E]h kaso natalo nga si Leni, paanong gagawin natin? [I]pagsisiksikan nyo na lang yung talunan nyong opinyon sa pelikula ng nanalo? [G]anyan na kalungkot ang buhay nyo? HAHAHAHAHAHA!” dagdag niya.
Maliban kay Cristine, kasama rin sa cast ang mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga bilang Ferdinand Marcos at Bongbong Marcos, at Ruffa Gutierrez bilang dating First Lady Imelda Marcos.