NANGUNA pa ang direktor na si Darryl Yap sa pag-repost ng news item ukol sa nakatakdang pagsasampa ng reklamo laban sa kanya ni TV host-actor Vic Sotto.
Sa kanyang Facebook page, inilatag ni Yap ang link ng news item mula sa News 5 na inaanunsyo na irereklamo ni Sotto ang direktor sa Muntinlupa City Regional Trial Court kaugnay sa pelikulang tumatalakay sa buhay ng yumaong aktres na si Pepsi Paloma.
Sumunod namang ipinost ni Yap ang advisory mula sa kampo ni Sotto na humihiling sa mga miyembro ng media na i-cover ang gagawin nitong pagsasampa ng reklamo.
Kinumbinse naman ng kanyang supporters si Yap na tapusin ang pelikula dahil aabangan daw nila ito.
“Mag-rarally kami sa EDSA kapag ito naharang maipalabas.”
“Sana inintay muna lumabas un movie pinanuod muna bago gumawa ng hakbang, hndi ntin alam baka my plot twist db.”
“Di pa man nailalabas hinusgahan na.”
“Teaser palang yet very defensive na sila. kung walang sinehan pay per view nalang daming alam eh.”