Darryl Yap ayaw tantanan si Chloe

MULING dinogshow ng direktor na si Darryl Yap si Chloe Anjeleigh San Jose, ang girlfriend ni Olympic gold medalist Carlos Yulo, makaraang isama niya ang picture ng dalaga sa isang congratulatory post sa social media.

Sa Facebook, ibinandera ni Yap ang collage ng mga atletang Pinoy na sumali sa Paris Olympics 2024. “Maraming Salamat Team Philippines,” aniya.

Kapansin-pansin naman sa larawan na nasa gitna nina Yulo at bronze medalist Nesthy Petecio ang imahe ni San Jose.

Sarkastikong tanong tuloy ng mga followers ni Yap: “Ano na nga pong sports nilaro ni Goldie?”