Daniel Padilla walang love life

ISANG malutong na “no” ang pinakawalan ni Karla Estrada nang tanungin kung mayroon nang bagong karelasyon ang anak na si Daniel Padilla.

Dumalo si Karla sa launch ng aksyon serye ng ABS-CBN na “Incognito” kung saan isa sa mga bida si Daniel.

Matipid ang naging sagot ng actress-TV host sa mga nag-uusisa kung may pumalit na kay Kathryn Bernardo sa puso ni DJ.

Pero mahaba ang litanya ni Karla sa tanong kung paano niya sinuportahan ang anak sa sinapit ng relasyon nito kay Kath.

“Ang mga nanay ang unang malulungkot pag malungkot ang mga anak, lalo na pag may pinagdadaanan ang anak,” sey niya.

“Kung pwede nga lang ay kunin na lang ‘yung pinagdadaanan nila. Pero tuturuan din natin ang mga anak natin na bumangon mag-isa because it’s not gonna be forever na kasama natin sila. Paano mamaya kapag wala na tayo, so tuturuan natin ‘yung mga anak nating tumibay ang mga buto nila. Lalaki ‘yan, kahit ang mga babae kong anak very independent,” lahad ni Karla.