Daniel Padilla pinagkaguluhan sa Davao; kumanta sa ulan

BUO pa rin ang suporta sa aktor na si Daniel Padilla ng ng mga fans niya sa Mindanao.

Dinagsa ng mga supporters ang “Pagkakaisa” concert sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex nitong Biyernes kung saan si DJ ang headliner.

Hindi inalintana ng mga fans ang ulan makita lang ang kanilang idolo.

Basang-basa rin sa ulan ang aktor habang nagpe-perform sa stage.

Hangang-hanga naman ang fans ni Daniel sa ginawa nitong pagpapabasa sa ulan.

“Deej sumilong ka munaaaaa ang lakas ng ulannnn!! grabe kaaaa. Talagang mahal na mahal mo ang mga fans, kaya mahal na mahal ka din namin.”

“Swerte ang ulan dj blessing dami pa din nanaod khit umulan galing.”

“Nag pa ulan sya dahil kita nya mga tao nagpapaulan para din panoorin xa. salamat po sa lahat ng nag pa ulan pra mapanood xa.”