Daniel Padilla may bagong dyowa

KUNG paniniwalaan ang source ng showbiz insider na si Ogie Diaz ay naka-move on na si Kapamilya actor Daniel Padilla sa breakup nila ni Kathryn Bernardo.

Sa kanyang “Showbiz Update” vlog, sinabi ni Ogie na may nakarating sa kanyang balita tungkol sa lovelife ni Daniel.

“May nag-pm sa akin…tinatanong ako kung mayroon na ring jowa si DJ, si Daniel Padilla,” sey ni Ogie.

“At tinatanong ako kung totoo po ba na ang pangalan ng bagong girlfriend ni DJ ay Amanda,” dagdag niya.

Inamin ni Ogie na iyon ang unang beses niyang narinig ang balita.

“Hindi naman natin alam ‘yan. Talagang binabasa lang natin ‘yan at bahala na sila—si Daniel, si Kathryn kung mayroon silang gustong sabihin sa mga fans,” pahayag ni Ogie.