Daniel may nililigawang rich girl sa Batangas?

ITO ang tanong ni Ate Mrena, ang co-host ni Ogie Diaz sa Showbiz Update.

Sa latest episode ng vlog, ginulat ni Ate Mrena ang publiko nang isiwalat nito na tila naka-move on na si Daniel Padilla sa ex-girlfriend of 11 years na si Kathryn Bernardo.

“Gaano katotoo na may bagong nililigawan daw itong si Daniel Padilla?” chika niya.

“Tanong lang naman ito. Totoo ba na ang nililigawan ni Daniel Padilla ay isang rich girl na taga-Batangas?” dagdag ni Ate Mrena.

“Hindi ako ang makakasagot niyan. Dapat si Daniel ‘yan,” sundot ni Ogie.

Wala namang nakikitang masama si Ogie kung totoong nanliligaw na ang Kapamilya actor dahil single naman ito.

Matatandaang inanunsyo nina Daniel at Kathryn ang pagtatapos ng kanilang mahigit isang dekadang relasyon noong March.