Daddy ni Christine Jacob yumao

NAGLULUKSA ang dating “Eat Bulaga” host na si Christine Jacob dahil sa pagkamatay ng kanyang ama na si George.

Sa Instagram post, isinapubliko ni Christine ang biglaang pagpanaw ng kanyang ama noong nakaraang New Year’s Eve.

“Forever in my heart. I love you so much my dearest daddy. Continue to watch over me like you always have. My heart aches for you but at the same time rejoices knowing you are in a better place,” aniya sa caption.

Sa hiwalay na post ay ibinahagi niya ang photo nilang mag-ama.

“Forever daddy’s girl,” ani Christine.

Hindi na niya dinetalye ang sanhi ng pagpanaw ng ama na ngayon ay nakaburol sa Loyola Heritage Park.